MAKATI RICHEST CITY IN THE PHILIPPINES || CEBU, RICHEST PROVINCE - COA |...







Naagaw na ng Makati City mula sa Quezon City ang titulo bilang pinakamayamang lungsod sa Pilipinas.



Base sa inilabas na 2017 local governments’ financial report ng Commission on Audit (COA), umakyat sa mahigit P195 bilyon ang kabuuang mga asset ng lunsod.Lumobo ng 258 percent at naging P196.57 bilyon ang assets ng lungsod mula P54.85 bilyon noong 2016.



Samantala, matapos ng ilang taong pangunguna, pumangalawa na lamang ngayon ang Quezon City sa listahan na merong kabuuang asset na P68.33 bilyon noong nakaraang taon.



Noong 2015, ranked 1 ang QC ng magtala ng assets na P51.64 bilyon at P59.56 bilyon naman noong 2016.



Nanatili namang 3rd richest city ang Maynila na may P38.68 bilyong mga asset noong 2017. Pang-apat ang Cebu City, P33.86 bilyon; pang-lima ang Pasig, P33.7 bilyon.



Nasa ikaanim na pwesto naman ang Taguig City, P19.6 bilyon; kasunod ng Caloocan City at Pasay City na pang-pito at pang-walo sa asset na P17 bilyon at P16.66 bilyon. Pang-siyam ang hometown ni Pangulog Rodrigo Duterte na Davao City, P13.18 bilyon; at panghuli ang Calamba City sa Laguna na may P12.41 bilyon na mga asset.



Sa panlalawigang kategorya, ang Cebu ang pinakamayamang lalawigan nitong 2017 na may ₱34.14 billion total assets.



Idineklara namang ikalawang pinakamayamang lalawigan ang Compostela Valley.



Ayon sa tsismis na nasagap ng Team PLAKADO sa loob ng COA, tumaas ng mahigpit 400 percent ang assets ng Compostella Valley na nasa P18.95 billion noong 2017 mula sa P3.74 billion lamang noong 2016 kaya agad itong napasama sa listahan.



Dagdag ng COA na malaking factor sa pagtaas ng assets ng Compostela Valley ang pagkakasama ng public infrastructure projects sa book of accounts ng probinsya. 



Ang dating nasa ikalawang p uwesto na Rizal ay nasa ika-apat na puwesto na kung saan P14 billion ang a ssets samantalang tumaas naman sa ikatlong puwesto ang lalawigan ng Batangas na halos P16 billion ang assets.



Pasok sa top 5 ang Negros Occidental na nasa halos P13 billion ang assets. Ang Zambales ay idineklarang ika-anim na pinakamayamang lalawigan na may P10.46 billion pesos; ika-pito ang Bulacan, P10.45 billion; ika-walo ang Palawan na nasa P10.16 billion ang assets; ika-siyam ang Iloilo, P10 billion at ika-sampu ang Pampanga, P9.53 billion.



At dahil dito, nalaglag sa listahan ng COA bilang pinakamayamang lalawigan ang Laguna, Nueva ecija at Leyte na pinalitan naman ng Compostela valley, Zambales at Pampanga.



TULOY TULOY ANG PANONOOD NG AMING LATEST CONTENT SA AMING YT CHANNEL - ISEARCH LANG ANG GALA NI GIO, RHIKO LOKO VLOGS, PLAKADO UPDATES AT ANG AMING UNANG TRIVIA SHOW NA GIO KNOWS, SOON!



WAG KALIMUTANG MAG-LIKE, COMMENT, SHARE AT SUBSCRIBE SA AMING CHANNEL FOR MORE PLAKADO UPDATES! DITO LANG SA PLAKADO PRODAXONS!



----------------------------------------



MUSIC CREDITS:



||  Artist:   NICOLAI HEIDLAS

 Title:   AfterShow

 Music License:  https://www.hooksounds.com

 (https://www.hooksounds.com/author/nicolai-hs/)



----------------------------------------



RELATED RESEARCH LINK:



|| https://www.coa.gov.ph/



|| https://rmn.ph/coa-report-makati-city-nananatiling-pinakamayamang-lungsod/



|| http://www.dwiz882am.com/



----------------------------------------



SUBSCRIBE to PLAKADO Prodaxons on YouTube for the latest contents ► www.youtube.com/c/pLakadoProdaxons



Like on Facebook ► www.facebook.com/pLakadoProdaxons/



Follow on Twitter ► www.twitter.com/pLakadoProdaxon



Follow on Instagram ► www.instagram.com/plakado_prodaxon/



For Business Inquiries | Collaboration 



Email @ arnold.seoexperts@gmail.com 

or winrhixx_2013@yahoo.com

Comments